What's New

Pioneer Epoxy National Bangkarera Year 4, sasagwan sa Cebu

Pioneer Epoxy National Bangkarera Year 4, sasagwan sa Cebu

Manila, Philippines – Muling sisiklab ang  prestihiyosong Pioneer Epoxy National Bangkarera na gaganapin sa Naga City, Cebu sa May 31 hanggang June 2, 2019.

Sa pangunguna ng Pioneer Epoxy sa pakikipagtulungan ng Angat sa Dangat Organizations, maaring lumahok ang mga participants sa pat na kategorya: 7-7.5HP Open Category (Gasoline Engine Single Piston), 16-18HP Open Category (Gasoline Engine Single Piston), 13HP-16HP Angat sa Dagat Special Category (Stock Engine Gasoline), at Paddle Boat Open Category (Mixed Doubles).

“By staging this annual national event, we’re giving our local fishermen and boat makers a platform where they can showcase their skills. It’s also our way of giving back to all the members of their community, who have been using our products for the past 60 years,” ayon kay Alben B. Manuel, Assistant Vice President – Marketing Head for Philippines and International Market Group of Pioneer Adhesives, Inc.

Noong isang taon, nakapagtala ang PENB recorded ng pinakamalaking bilang ng mga lumahok na 58 teams at 155 boat sa Iloilo city na mas Malaki kumpara noong 2016.

“This tournament was designed to strengthen the camaraderie among boat racers nationwide, all of whom make a living as fishermen and boat makers,” dagdag pa nito.

Sa mga lalahok, maaaring magparehistro online sa www.pioneer-adhesives.com/event/bangkarera2019 o bumisita sa www.pioneer-adhesives.com.

Nakataya sa kumpetisyon ang mahigit P1M cash at iba pang premyo kaya hinimok ng PENB na simulan na ang pagpapakondisyon ng mga makina at kanilang Bangka para sa paglahok sa biggest bangkarera event ngayon taon.

Share it: